^

PSN Palaro

Tatapusin na ng Mixers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling pipilitin ng San Mig Coffee na masikwat ang finals berth, habang ha­ngad naman ng Talk ‘N Text na makapuwersa ng Game Five.

Bitbit ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-five se­mifinals series, susubukan ng Mixers na pitasin ang finals ticket sa pakikipagsagupa sa Tropang Texters sa Game Four ngayong alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Pinigilan ng Talk ‘N Text ang pagwalis sa kanila ng San Mig Coffee matapos kunin ang 112-86 panalo sa Game Three noong Lunes at tsansang maitabla ang kanilang serye.

“The one thing we had going for us is that we played as a team offen­sively,” sabi ni  Texters’ head coach Norman Black. “The ball was really moving from hand-to-hand. Nobody was really holding it. Guys are real­ly looking to give the extra pass and get a better shot.”

Sa kanilang panalo sa Game Three ay umiskor si Ranidel De Ocampo ng 24 points kasunod ang 14 ni Jayson Castro, 13 ni Danny Seigle, 12 ni import Paul Harris, 11 ni Jimmy Alapag at 10 ni Elmer Espiritu para sa balanseng opensiba ng Talk ‘N Text.

Nalimita naman si import Marqus Blakely sa 8 points at seven rebounds sa loob ng 27 minuto para sa San Mig Coffee.

Nauna nang sinikwat ng Mixers ang Game One via overtime, 92-88, at ang Game Two, 93-85, para ma­kalapit sa kanilang pang-apat na sunod na finals ap­pearance.

Pinamunuan ni PJ Simon ang San Mig Coffee ni mentor Tim Cone sa kanyang 18 markers kasunod ang 11 ni Joe Devance.

DANNY SEIGLE

ELMER ESPIRITU

GAME FIVE

GAME FOUR

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

N TEXT

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with