^

PSN Palaro

Neymar ipinasok ang Brazil sa knockout stage

Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO --May  dalawang goals si Neymar para ibandera ang host Brazil sa 4-1 panalo sa Cameroon at umabante sa knockout stage sa World Cup nang hindi natatalo sa Group A.

Ginawa ni Neymar ang mga goals sa first half para bigyan ang host ng 2-1 kala­mangan.

Sina Fred at Fernando Luiz Roza ang bumutas pa ng net para sa Brazil sa second half para sa dominanteng pagtatapos.

“We are progressing match after match and that’s important,” wika ni Brazil coach Luiz Felipe Scolari.

Nanalo rin ang Mexico sa Croatia, 3-1, sa isa pang Group A match para magtabla ang Brazil at Mexico sa unang puwesto bitbit ang tig-7 puntos.

Pero mas maganda ang goal differential ng host sa Mexico, plus 5 laban sa plus 3, para pangunahan ang grupo at kunin ang Chile bilang unang katunggali sa knockout round.

Ang Chile ay natalo sa Netherlands, 2-0, sa Group B para umabante sa susunod na round tangan din ang 3-0 karta.

Kalaban ng Dutch ang Mexico para madetermina kung sino ang aabante sa quarterfinals.

Pumuntos ang Dutch sa huling 13 minuto upang paabutin na sa 10 ang goals na naiskor sa tatlong naipanalong laro.

“We wanted to be first in the group. Now we will see what is coming at us,” pahayag ni Arjen Robben na tumapos sa group eliminations bitbit ang tatlong goals.

vuukle comment

ANG CHILE

ARJEN ROBBEN

FERNANDO LUIZ ROZA

GROUP A

GROUP B

LUIZ FELIPE SCOLARI

NEYMAR

PARA

SINA FRED

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with