^

PSN Palaro

Anthony free agent na

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK--Simula sa Hulyo 1 ay maaari nang ma­kipag-usap si Carmelo Anthony sa anumang koponan sa NBA.

Ito ay matapos ilagay ni Anthony ang kanyang sarili sa free agent market. Ilan sa mga interesado sa kanya ay ang Chicago, Houston, Dallas at Miami.

Sinabi na ni Anthony, isang two-time Olympic gold medalist na nanguna sa NBA sa scoring noong 2012-13, na ayaw niyang iwanan ang New York ngunit ang kanyang prayoridad ay ang lumipat sa isang koponang lalaban para sa NBA championship.

Nagkaroon si Anthony ng deadline noong Lunes para tapusin ang huling taon sa kanyang kontrata sa Knicks, ngunit nauna nang sinabi ng dating NBA leading scorer na balak niyang pumasok sa free agency matapos ang NBA season.

Sinabi ni team president Phil Jackson sa All-Star for­ward matapos ang season kung maaari nitong ipagpaliban ang kanyang desisyon at laruin ang kanyang huling taon sa kontrata na magbibigay sa kanya ng $23.3 milyon.

Ngunit buo na ang plano ni Anthony.

Inihayag niya ang kanyang desisyon kina Jackson, general manager Steve Mills at kay bagong coach Derek Fisher sa Los Angeles.

 

CARMELO ANTHONY

DEREK FISHER

HULYO

ILAN

LOS ANGELES

NEW YORK

PHIL JACKSON

SINABI

STEVE MILLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with