^

PSN Palaro

Love nagpasiklab sa panalo ng Team Chris Tiu

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumamada si NBA star Kevin Love ng 15 points para sa Team Chris Tiu kasunod ang pagtipa ng 19 markers sa panig ng Team Marc Pingris sa three-point shootout ng Master Game Face All-Star Basketball Challenge na winalis ng Team Chris Tiu sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado ng gabi.

Tinalo ng Team Chris Tiu ang Team Marc Pingris, 58-55, sa three-point shootout at nagposte ng 135-110 tagumpay sa exhibition game na nagtampok sa ilang PBA players at collegiate stars.

Lumahok si Love sa three-point shootout kung san siya nag-ambag ng 15 points para sa winning team na kinabibilangan nina Tiu (17), Jeff Chan (13) at UST player Kevin Ferrer (13).

Tumikada naman sina Jeric Teng at UE Warrior Roi Sumang ng tig-13 points kasunod ang 10 ni Gary David para sa Pingris’ squad.

Nanatili si Love sa venue at nagpaunlak ng mga autographs at photo shoots sa mga players at fans, habang iginiya ni Ginebra high-flying forward Chris Ellis ang Team Tiu sa panalo.

Kinilala naman si Gi­ne­bra’s Greg Slaughter bilang MVP mula sa kanyang hi­nakot na 27 points, 9 rebounds at 3 assists sa panig ng Team Pingris.

Tumipa siya ng 3-of-5 shooting sa 3-point range.

 

CHRIS ELLIS

GARY DAVID

GREG SLAUGHTER

JEFF CHAN

JERIC TENG

KEVIN FERRER

KEVIN LOVE

TEAM

TEAM CHRIS TIU

TEAM MARC PINGRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with