Laban sa US asam ni Nietes
CEBU CITY, Philippines--DadalÂhin ni Donnie Nietes, hangad na maging Filipino na naghari ng mahabang panahon, ang kanyang talento sa United States.
Ang WBO light flyweight king ay hindi pa natatalo sa loob ng 10 taon at nananatiling world champion ng halos pitong taon.
Kung mananalo siya sa Disyembre 31 ay malalampasan niya ang record ng namayapang si Gabriel “Flash†Elorde, nagkampeon sa loob ng pitong taon at tatlong buwan noong 1960 hanggang 1967.
Gusto ni Nietes na gumawa ng kasaysayan.
“I’m ready,†sambit ni Nietes kasama sina promoÂters Tony at Michael Aldeguer.
Inangkin ni Nietes ang 108 lbs title noong 2011 at hindi na ito binitawan.
Noong Mayo 1 sa Mall of Asia Arena ay pinatumba niya si Mexican challenger Moises Fuentes sa kanilang rematch matapos ang kanilang draw noong 2013.
Sinabi ni Dennis CaÂnete, ang vice president ng ALA Promotions, na dadalhin nila si Nietes sa Los Angeles sa Nobyembre para labanan ang isang Mexican.
Ito ay magsisilbing voÂluntary defense ni Nietes, maaaring pumili ng kanyang lalabanan sa top 10 sa kanyang dibisyon.
“We’re looking at November 8 in Los Angeles because of the heavy preÂsence of Mexicans or Latinos there. It will the first Pinoy Pride presentation in the United States,†ani Canete.
Nasasabik naman ang 32-anyos na si Nietes, sa kanyang laban sa US.
“I’ve fought three times in Mexico but never in the United States,†ani Nietes.
- Latest