^

PSN Palaro

Panggising sa PSC at NCFP

AMBETHABOL - Maribeth Repizo Merana - Pilipino Star Ngayon

Sinuspindi ng Philippine Sports Commission (PSC) ang P40,000 na buwanang allowance ni Wes­ley So makaraang magdesisyon ito na maglaro para sa US Chess Federation sa halip na sa Pambansang ko­po­nan ng Pilipinas.

Magkahalo at napakarami ang reaksiyon sa gina­wang ito ng Filipino Grandmaster at world No. 15 na si So.

May nagsasabi na mali ang ginawa ng 20-taong gulang na si So dahil ito ay isang pagta-traydor sa bayan.  Ayon sa ilan, para raw ipinagpalit ni So ang karangalan bilang Pilipino kapalit ng pagkakataong maitaas pa ang sarili sa larangan ng chess.

May mga nagsasabi rin naman na tama lamang ang ginawa ni So dahil hindi nga naman maibigay ng  Pilipinas ang kanyang pangangailangan bilang atleta, at sa pangarap niyang makapasok sa Top 10 chess players ng daigdig.

Anupaman, kung si So ay lilipat sa US Chess Fe­deration kinakailangan pa rin niyang humingi ng permiso sa National Chess Federation of the Philippines o magbayad ng P3 milyon.  Sa pag-aanalisa natin, tila mahihirapan si So na hingin ang permiso ng NCFP.   Sinabi na ni Prospero Pichay na hindi siya “bibigay” sa gusto ni So na magpalit ng pederasyon.

Ang isang opsyon ni So ay ang  tumambay muna ng dalawang taon bilang waiting period sa mga chess players na nagpalit ng pederasyon. Ibig sabihin hindi makakasali si So sa mga FIDE-sanctioned tournament kasama na ang World Chess Olympics.

At ito ang bagay na hindi kayang isugal ni So.  Kaya nga siya lilipat ng pederasyon ay upang mapa­sama sa top 10 world chess players.

Hindi ko sisipatin o titimbangin kung tama o mali ang ginawa ni So. Desisyon niya ang anumang ga­gawin niya sa mga susunod na araw.

Gayunman, ang naturang pangyayari, kung tutuusin ay isang “panggulantang”  sa ating mga sports officials.

Bakit pa kinakailangang magpalit ng pederas­yon ng isang atleta o manlalaro ng bansa upang makakuha lamang ng kinakailangang suporta.  Ibig sabihin nito, kulang ang suportang ibinibigay ng ating gobyerno sa mga atleta.

Isipin na natin na ang isang katulad ni So (maitutu­ring na elite chess player) na sa sobrang pagkadismaya sa kawalan ng suporta ay nangailangang lumipat ng pe­derasyon para lamang iangat ang sarili sa kompetisyon.

Kinakailangan  ng PSC at ng NCFP  na irebisa kung saan napupunta ang pondo ng atleta. Kailangan pa bang maglipatan sa ibang pederasyon o ibang bansa ang mga atleta para magising sa katotohanan ang ating mga sports officials.

CHESS

CHESS FE

CHESS FEDERATION

FILIPINO GRANDMASTER

IBIG

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with