^

PSN Palaro

Pila Balde

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nakapila na parang umiigib ng tubig ang may gustong makaharap si Manny Pacquiao para sa susunod niyang laban sa November.

Pila balde sila.

Nandyan si Ruslan Provodnikov at ang tumalo sa kanya nung nakaraang Linggo na si Chris Algieri. Nandyan din si Amir Khan at sila Danny Garcia at Luis Carlos Abregu.

Hindi ko sila masisisi dahil kung sino man ang mapili ni Pacquiao ay parang tumama sa lotto.

Siguradong milyones ang kikitain at marami sa ka­nila gaya ni Algieri, Garcia at Abregu ay hindi pa nakakatikim ng ganun kalaking kita.

Importante ang pagkakataon na malabanan si Pac­quiao. Kung suwertehin ka nga naman at manalo ay biglang taas ang market value mo.

Lahat sila ay nagsasabing handa sila kay Pacquiao. Ang tanong eh gano sila kahanda?

Baka naman kasi take the money and run ang gawin nila gaya nga ni Joshua Clottey. Ubod ng tapang pero pagdating ng laban tatakbo lang pala.

Sumahod lang ng pera.

Pinag-aaralan mabuti nila Bob Arum kung sino talaga ang magandang kalaban ni Pacquiao sa November.

Sino ba ang bagay na kalaban? Kaninong style ang makapag-bibigay ng exciting na laban? At sino ba sa kanila ang madaling ibenta sa tao?

Hindi pa rin naman nawawala sa listahan si Juan Manuel Marquez. Kaya lang, masyadong tumaas ang ere ni Marquez matapos niyang talunin si Pacquiao nung 2012.

Humihingi raw ng $20 million si Marquez para la-banan niyang muli si Pacquiao.

Hindi naman ito mangyayari.  Ang dinig ko ay hanggang $5 million o $6 million lang ang kayang ibigay ni Pacquiao sa kanya.

Kaya kung hindi siya magbabago ng isip ay tiyak na tsugi na siya.

Balik tayo sa pila.

AMIR KHAN

BOB ARUM

CHRIS ALGIERI

DANNY GARCIA

JOSHUA CLOTTEY

JUAN MANUEL MARQUEZ

KAYA

LUIS CARLOS ABREGU

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with