Mananatili ang Spurs kahit mawala si Duncan
SAN ANTONIO--Naisip na ni Tim Duncan na nalalapit na ang kanyang pagreretiro, ngunit hindi sinabi kung kailan ito mangyayari.
Si Duncan ay 38-anyos, habang si Manu Ginobili ay magiging 37-anyos sa susunod na buwan at maaaring maglaro sa kanyang huling mga taon.
Ngunit hindi naman makita kay pointguard Tony Parker ang kabagalan, habang handa si NBA Finals MVP Kawhi Leonard sa mas matinding trabaho at naiÂpakita na nina coach Gregg Popovich at general manager R.C. Buford na kaya nilang maghanap ng magagaling na players.
Ang inaasahang pagreretiro ni Duncan - posibleng sa susunod na linggo, sa susunod na bakasyon o matapos ang kanilang susunod na NBA championship - ay hindi tatapos sa kanyang 15-year run para sa San Antonio Spurs.
“My secret is these guys behind me, Coach Pop and R.C. That’s my secret,†wika ni team owner Peter Holt. “It doesn’t start at the top, it starts with them. And it’s a wonderful group to be with.â€
Giniba ng Spurs ang Miami Heat sa limang laro para angkinin ang kanilang pang-limang NBA championship.
Sa pagkakaroon ng magagaling na players at matatag na liderato, hindi basta-basta mawawala ang Spurs.
- Latest