^

PSN Palaro

Douthit tutulungan pa ang Gilas sa Wuhan

QHenson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglalaro si Marcus Douthit para sa Gilas Pilipinas sa 5th FIBA Asia Cup sa Wuhan, China na nakatakda sa Hulyo 11-19.

Ito ang posibleng hu­ling pagkakataon na kakampanya si Douthit para sa national team.

Naghahanda na si Andray Blatche na saluhin ang kanyang maiiwang trabaho sa paglahok ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa Spain na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14.

Kasalukuyang nag-e­ensayo ang 34-anyos na si Douthit sa US at nakatakdang bu­malik sa bansa isang linggo bago magpatawag si Gilas coach Chot Reyes ng trai­ning camp sa Hulyo 1.

Inaasahang matatapos ang PBA Governors Cup sa Hulyo 9 na magbibigay ng sapat na panahon sa mga Gilas players na nag­lalaro sa kanilang mga koponan sa PBA tournament na makapaghanda para sa FIBA Asia Cup.

Nagsumite si SBP exe­cutive director Sonny Barrios ng listahan ng 21 pla­yers sa FIBA Asia Cup organizers noong Hunyo 11, ang deadline para sa mga participating countries na ibigay ang kanilang mga lineups na may 24-man limit.

Sa Hulyo 2 ang 10 ko­po­nang kalahok ay magsusumite ng kanilang final 12-man rosters.

Hindi maglalaro si Blatche sa Wuhan para du­malo sa negosasyon ka­ugnay sa kanyang NBA contract. 

Plano niyang gamitin ang kanyang option para maging free agent sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa Brooklyn Nets sa Hunyo  30.

 

ANDRAY BLATCHE

ASIA CUP

BROOKLYN NETS

CHOT REYES

DOUTHIT

GILAS PILIPINAS

GOVERNORS CUP

HULYO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with