^

PSN Palaro

Suporta hiling ni Cristobal sa 10-teams

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang maitutulong ng malawak na karanasan sa basketball na taglay ni Arturo Cristobal para maging epektibong NCAA commissioner.

Siya ay isang dating champion coach sa liga at nanilbihan bilang technical committee sa panahong sina Aric Del Rosario at Joe Lipa ang nakaupo bilang league commissioners.

Pero mas magi­ging madali ang bagong traba­ho na ipinataw kay Cristobal kung makikiisa sa kanyang mga plano ang sampung koponan na si­yang magtatagisan sa Season 90 na magsisimula sa Hunyo 28 sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.

“I want to ask for your cooperation and understan­ding,” wika ni Cristobal. “ Let us work together as one with the organizers.”

Maraming plano si Cristobal na sa tingin niya ay makakatulong para mas sumigla ang  pinakamatandang liga sa collegiate sa bansa.

Isa na rito ay ang unti-unting pagpasok  ng mga FIBA rules sa liga lalo pa’t ang Pilipinas ay nagiging aktibo na sa pagsali sa mga FIBA tournaments.

Ang pagpapaintindi sa mga collegiate players sa mga alituntunin ng FIBA ay magpapadali sa adjustment ng isang manlalaro sakaling tapikin siya para pagsilbihan ang national team.

Sisikapin din niya na maging pantay ang officia­ting sa lahat ng kasaling koponan para mabigyan ang lahat ng kasali ng tsansa na manalo sa liga.

 

ARIC DEL ROSARIO

ARTURO CRISTOBAL

CRISTOBAL

HUNYO

ISA

JOE LIPA

MALAKI

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with