^

PSN Palaro

Enzo Pastor

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nagising ako nu’ng Biyernes sa malagim na balita na napatay sa isang ambush ang Pinoy na karerista na si Enzo Pastor.

Marami siguro sa inyo ang hindi nakakakilala sa kanya. Isa siyang sikat na race car driver dito sa atin at maging sa ibang bansa.

Kumarera na siya sa lahat ng sulok ng mundo at sa mga nakaraang taon ay nakapagbigay ng magandang pangalan para sa ating bansa.

Malaking kawalan siya sa ating bansa sa larangan ng car racing.

Malayo pa sana ang mararating ni Enzo sa edad na 32-anyos, may asawa at dalawang batang anak.

Subalit sa isang iglap, matapos ang ilang putok ng baril, ay tumumba si Enzo sa loob ng isang truck na kanyang minamaneho at humihila sa kanyang kotseng pangarera.

Sa kanto ng Visayas Avenue at Commonwealth sa Quezon City nangyari ang ambush nu’ng gabi ng Huwebes o Independence Day.

Sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang tama ni Enzo. Direct hit.  Ayon sa mga ulat, hindi na siya umabot sa ospital ng buhay.

Nasaktan din sa insidente ang kanyang alalay.

Nakasigaw pa raw si Enzo ng “Dapa! Dapa!” dahil siguro nakita niya na may papalapit sa kanyang pintuan na taong may tangan na baril.

Pero wala siyang nagawa.

Hindi pa matukoy ng mga pulis kung ano ang mo­tibo sa pagpatay kay Enzo.

Sana ay mahuli ang may kagagawan.

Ilang beses ko na-interview si Enzo. Dahil sa ka­ma­halan ng sport niya, iisipin mo na baka mataas ang ere ng tao.

Pero hindi naman. Masarap siyang kausap. Maluma­nay magsalita. Mabait.

Sayang at ni minsan ay hindi ko siya nakita sa actual na karera.

Sayang.

AYON

DAPA

ENZO

ENZO PASTOR

INDEPENDENCE DAY

PERO

QUEZON CITY

SAYANG

VISAYAS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with