Clemente, Concepcion nanorpresa
MANILA, Philippines - Umiskor si CK Clemente ng isang three-set win laban kay top seed Jinn Ye Tan ng Malaysia, habang ginulat ni Aldreen Concepcion si No. 5 Arianne Rivera sa pagsisimula ng FDG Cup Open at Invitational badminton tournament sa Powersmash Badminton Center sa Makati kahapon.
Tinalo ni Clemente ng Team Allied, si Tan sa first set bago natalo sa seÂcond set at nanaig sa third set para kunin ang 21-19, 12-21, 22-20 panalo papasok sa second round ng Open men’s singles ng two-weekend ranking event na may basbas ng Philippine Badminton Association.
Nagposte naman si ConÂÂcepcion, miyembro ng PBA-Smash Pilipinas team, ng 21-19, 20-22, 22-20 panalo laban kay RiÂvera ng La Salle para umabante sa Last 16 ng Open women’s singles kung saan nagwagi ang mga foreign bets.
Dinomina ni top seed Chiang Pei Hsin ng Taiwan si Danica Pelegrino, 21-9, 21-12; pinayukod ni No. 2 Lili Wang ng China si Maryann Maranon, 21-15, 21-13; at binigo ni second seed Asifa Nur Farisma ng Indonesia si Kim Jarabelo, 21-6, 21-4, para makasama si Concepcion at 12 iba pa sa susunod na round ng event na ito.
- Latest