^

PSN Palaro

FDG Cup Badminton Tourney hahataw ngayon Local bet mapapasabak na sa aksyon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Haharapin ni Taiwa­nese top seed Chiang Pei Hsin si local bet Danica Peligrino, habang makaka­tapat nina No. 2 Lili Wang ng Chi­na at Indonesian Asifa Nur Farisma sina Maryann Maranon at Kim Jarabelo sa pagsisimula ng FDG Cup Open at Invitational badminton tournament sa Powersmash Badminton Center sa Makati.

Inaasahang magdodomina ang mga foreign bets sa first round ng two-weekend championship na nilahukan ng 225 players, kasama ang apat na Malaysians at dalawang Indonesians sa men’s Open singles.

Ito ang pang-11 pagdaraos ng annual tournament na isang ranking event na may basbas ng Philippine Badminton Association.

Si top local ace Toby Gadi ay uupo sa No. 7 kasunod sina Kevin Cudiamat, Rabie Oba-ob, Ros Pedrosa, R-Jay Ormilla, Kevin Dalisay, Wilson Lopez at Kenneth Monterubio.

Maglalaban sina Chiang at Peligrino sa ganap na alas-9 ng umaga kasabay nina No. 8 Angela Sevilla at Karla Palma, no. 7 Joy Barredo at Dia Magno, at Isa Tan at Camille Gotohio at Wang, isang regular local campaigner, kontra kay Maranan.

Makakasagupa naman ni Farisma si Jalabelo, habang makakasukatan ni No. 1 Dea Adirangga ng Indonesia si Joseph Odullo.

Si Malaysian ace Mo­hammad Arif Ab Latif ang makakaharap ni Jojo Malelang sa alas-10:30 ng umaga kasunod ang banggaan nina Malaysia bet Kay Ee Yeoh at Alexis Geverjuan sa 10:40 a.m..

Lalabanan ni Jinn Ye Tan ng Malaysia si Ck Clemente sa alas-11:30 kasunod ang salpukan nina Ahmadi Binn Abdul Saman at Jeremiah Katoh sa alas-11:40 at ang banggaan nina Ruddy Kondoy ng Malasyia at Akishite Hilario sa alas-12 ng tanghali.

AHMADI BINN ABDUL SAMAN

AKISHITE HILARIO

ALEXIS GEVERJUAN

ANGELA SEVILLA

ARIF AB LATIF

CAMILLE GOTOHIO

CHIANG PEI HSIN

CK CLEMENTE

CUP OPEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with