Aces giniba ang Kings, pasok sa quarters
Laro Ngayon
(Binan. Laguna)
2:45 p.m. Meralco
vs Globalport
5:15 p.m. Air21
vs San Miguel Beer
MANILA, Philippines - Pormal na inangkin ng Alaska ang isang quarterfinals seat matapos gibain ang Barangay Ginebra, 79-66, para sa ikalawang sunod na panalo sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagtuwang sina import Henry Walker, Calvin Abueva at Sonny Thoss sa pagratsada ng Aces sa fourth quarter para pigilin ang paglapit ng Gin Kings.
Kaagad na lumayo ang Alaska sa first period nang kunin ang 13-point lead, 26-13, sa likod ng pagbibida ni Gabby Espinas hanggang maagaw ng Ginebra ang unahan sa 44-42 mula sa basket ni Mark Caguioa sa 5:42 ng third quarter.
“Credit to Ginebra sa second half ang ganda ng run nila but am really proud of my guys they came back on their own,†sabi ni rookie American coach Alex Compton.
Matapos isara ang naturang yugto ay nagpaÂkaÂwala ang Aces ng 11-4 atake sa pamumuno nina Walker, Abueva at Thoss para ilista ang 66-54 bentahe kontra sa Gin Kings.
Tuluyan nang sinelyuhan ng Alaska ang kanilang panalo matapos iposte ang 21-point advantage, 78-57, buhat sa tirada ni Espinas sa huling 2:20 minuto ng laro.
Tumapos si Walker na may 16 points para sa Aces kasunod ang 14 ni Abueva at 13 ni Espinas.
Ang panalo ang nagtabla sa Alaska sa San Miguel Beer sa magkatulad nilang 4-4 record sa ilalim ng San Mig Coffee (5-2), Talk ‘N Text (5-2), Ginebra (5-3), Air21 (5-3) at Rain or Shine (5-3) kasunod ang Barako Bull (3-5), Meralco (2-6) at Globalport (1-7).
Pinamunuan naman ni import Zach Mason ang Gin Kings sa kanyang 21 markers.
Alaska 79--Walker 16, Abueva 14, Espinas 13, Casio 8, Thoss 8, MaÂnuel 8, Baguio 6, Jazul 5, Hontiveros 1, Reyes 0, Belasco 0, Dela Cruz 0.
Ginebra 66 - Mason 21, Caguioa 10, Slaughter 7, Baracael 6, Aguilar 6, Tenorio 4, Urbiztondo 3, Knuttel 2, Ababou 2, Helterbrand 2, Mamaril 2, Ellis 1, Monfort 0.
Quarterscores: 20-11; 36-25; 55-51; 79-66.
- Latest