^

PSN Palaro

Wesley hindi na kakatawan sa Phl

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napilayan ang Philippine chess nang magdesisyon si Grand Master Wesley So na huwag nang katawanin ang Pilipinas sa mga FIDE tournaments.

Ang desisyon ay kanyang inihayag sa sulat kay Na­tional Chess Federation Philippines (NCFP) president Prospero Pichay na lumabas sa blogsite ng Polish GM at coach ni So sa Webster University na si Susan Polgar.

Ginawa ni So ang aniya ay mapait na desisyon dahil sa pagnanais na lumipat na federation at mapabilang sa mga manlalaro ng US.

Noon pang nakaraang taon ay kumalat na ang balita na iiwan na ni So ang Pilipinas para sa US dahil ang kan­yang pamilya ay naninirahan na sa Canada at siya ay nag-aaral sa US.

Naniniwala rin ang 20-anyos na 15th ranked player sa mundo na makakatulong ang desisyon para umangat ang kanyang career sa chess.

“I have filed the paperwork to switch federation to the US last year. I respectfully ask that you grant me this opportunity and consent my transfer,” ani So.

Kailangang pumayag ang NCFP para hindi na siya magbayad sa FIDE ng 50,000 Euros (halos P3 milyon) bilang transfer fee.

 

CHESS FEDERATION PHILIPPINES

GINAWA

GRAND MASTER WESLEY SO

KAILANGANG

NANINIWALA

PILIPINAS

PROSPERO PICHAY

SUSAN POLGAR

WEBSTER UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with