^

PSN Palaro

Pilipinas kumpleto na ang lahok sa 3-on-3 sa YOG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magbabalik ang Pilipinas sa 3-on-3 basketball sa  Youth Olympic Games sa Nanjing, China matapos makapasa ang tatlong iba pang manlalaro upang samahan si Kobe Paras na pasok na sa koponan.

Isang qualifying tournament ang ginawa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kamakailan at ang mga inasinta na sina JP Cauilan at Manuel Mosqueda ng  National University at  Armando San Juan ng La Sal­le Greenhills ay nakapasa sa koponan.

Si Paras na nakasama nina Thirdy Ravena, Arvin Tolentino at Prince Rivero na nanalo sa FIBA Asia 3-on-3 para umabante sa World 3-on-3 noong nakaraang taon ang mangunguna sa delegasyon.

Gumawa ng pangalan ang 6’5 player sa World event sa Indonesia nang kunin ang titulo sa slam dunk.

Ito ang ikalawang sunod na YOG na kasali ang Pilipinas sa 3-on-3 dahil noong 2010 edisyon sa Singapore ay ipinadala sina Bobby Parks Jr., Jeron Teng, Michael Tolomia at Michael Pate at tumapos ang koponan sa ika-siyam na puwesto.

May entry na rin ang Pilipinas sa archery, triathlon  at gymnastics habang hinihintay pa ang desisyon mula sa kanilang international federation ang atleta  sa swimming at athletics.

Sina Luis Gabriel Moreno at Bianca Gotuaco ang kakatawan sa archery, si Vicky Deldio ang lalaban sa triathlon habang ang Fil-Am na si Ana Verdaflor ang ka­katawan sa gymnastics.

Sina Roxanne Yu at Fil-Am Zion Corrales-Nelson ang mga itinutulak sa swimming at athletics. Ang YOG ay gagawin mula Agosto 16 hanggang 28.

vuukle comment

ANA VERDAFLOR

ARMANDO SAN JUAN

ARVIN TOLENTINO

BIANCA GOTUACO

BOBBY PARKS JR.

FIL-AM ZION CORRALES-NELSON

JERON TENG

KOBE PARAS

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with