^

PSN Palaro

Shell chessfest naglinya ng 2 legs sa Mindanao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga batang mahihilig sa chess sa gaganaping Shell National Youth Active Chess Championship na magsisimula na sa Sabado sa SM Megamall Activity Center sa Pasig City.

Mula sa dating  anim na yugtong elimination, nagdesisyon ang nagpapatakbo ng torneo na nasa ika-22 taon na, ang pagsama ng palaro sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Jackie Ampil, ang social investment ma­nager ng Pilipinas Shell, minabuti nilang magsagawa ng dalawang legs sa Mindanao dahil sa rami ng mga sumasali rito.

Opisyal na bubuksan ang 2014 edisyon sa Sa­bado at magtatagal ang aksyon kinabukasan para sa NCR leg.

Ang susunod na laro ay sa SM City Batangas para sa Southern Luzon leg mula Hunyo 21 at 22 bago lumipat sa Visayas sa Hulyo 12 at 13 sa SM City Consolacion sa Cebu.

Bubuksan ang dalawang Mindanao legs sa Agosto 2 at 3 sa SM City Cagayan de Oro bago sundan ng tagisan sa SM City Davao sa Agosto 30 at 31.

Ang huling regional leg ay sa University of St. Louis sa Tuguegarao mula Set­yembre 13 at 14 para sa Southern Luzon.

Ang aksyon ay bukas para sa kiddies (7 hanggang 14) at juniors (15 hanggang 20) at ang mangungunang dalawang chess players sa kala­lakihan at number one sa kababaihan ay aabante sa Grand Finals sa Megamall sa Oktubre 11 at 12.

Ito rin ang unang pagkakataon na may kababaihan na maglalaro sa Grand Finals para mabigyan sila ng oportunidad na maki­pagsabayan sa kalalakihan at manalo ng kampeonato.

AGOSTO

CITY BATANGAS

CITY CAGAYAN

CITY CONSOLACION

CITY DAVAO

GRAND FINALS

JACKIE AMPIL

MEGAMALL ACTIVITY CENTER

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with