Express lumapit sa quarterfinals
Laro Bukas
(Cuneta Astrodome)
5:45 p.m. Globalport
vs Talk ‘N Text
8 p.m. Alaska
vs Rain or Shine
MANILA, Philippines - Nakisalo sa ikalawang puwesto ang Air21 matapos gibain ang Meralco, 80-67, tampok ang 22 points, mula sa 10-of-18 fieldgoal shooting, at 16 rebounds ni 6-foot-10 Asi Taulava sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Kumamada naman si import Dominique Sutton ng 25 points at 17 boards.
“Good thing that my two big men played well,†ani head coach Franz PumaÂren kina Taulava at Sutton.
Bumangon ang Express mula sa kanilang naunang kabiguan sa Talk ‘N Text Tropang Texters para makatabla ang San Miguel Beermen sa ikalawang posisyon sa magkatulad nilang 4-2 record, habang nahulog ang Bolts (1-5) sa ilalim kadikit ang Barako Bull Energy Cola (1-5).
Kumawala ang Air21 sa third period para iposte ang 12-point lead, 53-41, mula sa pagdikit ng Meralco sa halftime, 26-23.
Ang basket ng 40-anyos na si Taulava ang nagbigay sa Express ng malaking 16-point advantage, 59-43, hanggang makalapit ang Bolts sa 63-70 agwat buhat sa split ni import Mario West sa huling dalawang minuto ng fourth quarter.
Tumipa sina Sutton at Joseph Yeo ng pitong sunod na free throws mula sa mga sablay ng Meralco para muling ilayo ang Air21 sa 77-63 sa nalalabing minuto ng laro.
Samantala, muling ibabandera ng Talk ‘N Text si import Paul Harris sa kanilang pagsagupa sa Globalport bukas sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Air21 80 - Sutton 25, TauÂlava 22, Cardona 11, Ramos 7, Borboran 5, Yeo 4, Villanueva J. 3, Camson 3, Villanueva E. 0, Poligrates 0, Burtscher 0, Menor 0.
Meralco 67 - Hodge 18, West 16, Cortez 13, David 10, Hugnatan 4, Dillinger 4, Ildefonso 2, Bringas 0, Ca am 0, Salvacion 0, Sena 0, Guevarra 0, Wilson 0.
Quarterscores: 15-19; 26-23; 53-41; 80-67.
- Latest