Sharapova umusad sa quarters
PARIS--Bumangon si Maria Sharapova sa kabiguan sa first set para resbakan si Samantha Stosur, 3-6, 6-4, 6-0, para makapasok sa quarterfinals ng French Open dito sa Roland Garros.
Matapos isuko ang first set at naiwanan sa 3-4 sa second set, hindi pinayagan ni Sharapova na manalo ang 19th-seeded na si Stosur ng isa pang laro.
Inangkin ni Sharapova ang kontrol sa pagkuha sa 22 sa 25 points laban kay Stosur, nagreyna sa 2011 US Open at nakapasok sa finals ng 2010 French Open.
Hangad ni Sharapova ang kanyang ikatlong sunod na finals apperance sa Paris.
Nakumpleto niya ang kanyang career Grand Slam sa pag-angkin sa titulo noong 2012 at naging runner-up kay Serena Williams noong 2013.
Nang lumabas ang tournament draw sa women’s bracket ay inasahan na ang potensyal na rematch sa pagitan nina Sharapova at Williams sa quarterfinals.
Ngunit natalo ang No. 1-seeded na si Williams, 2-6, 2-6, sa second round ni 35th-ranked Garbine Muguruza, isang 20-anyos na netter mula sa Spain.
At ang lalabanan ni Sharapova sa quarterfinals ay si Muguruza, sinibak si French wild-card entry Pauline Parmentier, 6-4, 6-2.
- Latest