Isa pang youth triathletes nabigyan ng tiket sa YOG
MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang isang buwang pagsasanay na ginawa ni Vicky Deldio sa Portugal nang makamÂtan niya ang puwesto sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China sa Agosto.
Ang 16-anyos tubong Olongapo City ay naorasan ng isang oras, 11 minuto at 30 segundo at sapat ito para kunin ang ikalimang puwesto sa Youth Girls division na pinaglabanan sa distansyang 750-m swim, 20-km bike at 5-km run.
Tanging si Deldio lamang ang isinali ng TriathÂlon Association of the Philippines (TRAP) sa kompetisÂyong nagbigay ng biyahe sa YOG sa Nanjing sa mga mangungunang limang triathletes sa Youth Girls at Boys.
Ang ibang bansa ay may tig-dalawang lahok pero isa lamang ang papasok kung sakaling dalawa ang nalagay sa unang limang puwesto.
Sumali rin ang China pero hindi na sila kasali sa puwesto para sa YOG dahil binigyan na sila ng isang lalaki at babaing triathleÂtes bilang host ng kompetisÂyon.
Bago lumaban, si Deldio ay pinagsanay ng isang buwan sa Portugal sa ilalim ni Olympic coach Sergio Santos.
Sina Justin Chiongbian at Jose Nobles IV, na nakasama ni Deldio sa Portugal ay hindi pinalad na nakaabante sa YOG.
Minalas na natumba si Chiongbian sa unang ikot sa dalawang loop sa run leg. Nagkaroon siya ng sugat sa hita at wrist at hindi nagawang tumapos sa karera.
Si Nobles ay nalagay sa ika-16th puwesto sa 1:06:57 oras.
Tumulong sa pagsasaÂnay at pagsali ng koponan ang Philippine Sports Commission (PSC).
- Latest