Donaire may ilalabas pa sa rematch kay Vetyeka
MANILA, Philippines - Walang nakikitang problema si Nonito Donaire Jr. sa puntiryang panalo kay South African fighter Simpiwe Vetyeka sakaling matuloy ang rematch nila sa huling quarter ng taong 2014.
Nagkasukatan noong Sabado ng gabi ang dalawang boksingero sa Macau at kahit naputukan si Donaire ay sapat ang ginawa sa fourth round para maitakas ang unanimous technical decision panalo kay Vetyeka at agawin din ang suot nitong WBA feaÂtherweight title.
“That’s what I have said (rematch) but it will be the promoter that will decide on it. But we’ll push that,†wika ni Donaire nang hinarap ang mga mamamayag sa pulong pambalitaan na ginawa sa Resto 9501 sa ELJ Building sa Mother Ignacia, Quezon City kahapon ng umaga.
Isinantabi rin ni Donaire ang paniniwala ng iba na nahirapan siya kay Vetyeka dahil kung nagpatuloy pa umano ang laban ay tiyak niyang napatulog niya ito.
Itinigil ni referee Luis Pabon ang laban isang segundo matapos ihudyat ang panimula ng fifth round dahil lumala na ang putok sa kaliwang kilay ni Donaire.
Bago itinigil ay napatumba ni Donaire si Vetyeka gamit ang pamatay na kaliwang hook na siyang dahilan para makuha niya ang 49-46 panalo sa scorecards ng tatlong hurado.
“When I decided to take control of he fight, nakuha ko siya agad. If given one or two more rounds, I would have been able to make it (knockout win) happen. Sa rematch, alam ko na ang movements niya, ang reach niya. Mas matangkad pa rin siya sa akin pero alam kong mas mabilis ako at mas malakas ako sa kanya,†dagdag pa ni Donaire.
Natuwa rin siya sa ipinakitang magandang footwork pero aminadong kulang pa ang kanyang bilis na mahalaga dahil dito siya kumukuha ng lakas sa pagbitaw ng pamatay na suntok.
“Hindi pa ito ang best ni Donaire. Second time na kaming magkasama pero hindi pa kami mabuo. Gusto kong makita sa kanya na makuha from first round to 12th round na kaya niyang laruin ang laban. We’re not looking at a one-punch knockout,†wika naman ng ama at trainer na si Nonito Sr., na nasa pagtitipon din.
Sa ngayon ay pahinga muna si Donaire at paghihilumin ang tinamong sugat.
Tumungo ang pamilyang Donaire sa Boracay kahapon at babalik ng Manila sa Linggo.
Sa Miyerkules ng susunod na Linggo balak ng mga Donaire na bumalik ng US.
Sa tantiya ni Donaire, tatlong buwan tuluyang maghihilom ang kanyang sugat at kapag nangyari ito ay agad siyang babalik sa gym para magpakondisyon.
“Compared to my previous fights, mas mabilis ang footwork ko. Pero wala pa akong gaanong combination. I have to go back to the gym and start early. My goal is to be three times move faster and stronger that this fight,†paniniyak pa ng 31-anyos na kampeon.
- Latest