Donaire-Vetyeka rematch sa undercard ni Pacquiao
MANILA, Philippines - May posibilidad na magkasama sa isang fight card ang Pambansang kamao Manny Pacquiao at Filipino Flush Nonito Donaire Jr.
Ito ay mangyayari maÂtapos ihayag ng bagong WBA featherweight champion Donaire na bibigyan niya ng rematch si Simpiwe Vetyeka na kanyang tinalo sa pamamagitan ng technical decision noong SaÂbado ng gabi sa The Venetian sa Macau, China.
Sang-ayon si Bob Arum ng Top Rank sa naisin ni Donaire at naisip niya na gawin ito sa Nobyembre 23 sa araw na babalik uli ng ring si Pacquiao na gaÂgawin sa Macau.
“I think if Pacquiao fight ends up here, why wouldn’t we add that to the card in addition to Zou Shiming title fight plus another fight,’ wika ni Arum.
Nauwi sa technical decision ang laban nina Donaire at Vetyeka dahil itinigil ni referee Luis Pabon ang laban isang segundo matapos simulan ang fifth round dahil sa paglala ng putok sa kaliwang eye lid ng Filipino champion.
Nagkauntugan ang ulo nina Donaire at Vetyeka isang segundo bago natapos ang first round para maputukan agad ang Filipino Flush.
Pero buo pa rin ang loob ng 31-anyos dating world champion sa flyweight, bantamweight at super bantamweight divisions na hinarap ang South African fighter.
Sa fourth round ay pinatumba ni Donaire ang dating kampeon gamit ang pamatay na kaliwang hook at ito ang nagmarka sa mga hurado na sina Raul Caiz Jr., Francisco Martinez at Levi Martinez na nagbigay ng magkakatulad na 49-46 iskor.
“We need to do this again. We can do it here,†wika ni Donaire na nakuha ang ika-33 panalo matapos ang 35 laban.
Ikatlong pagkatalo laban sa 26 panalo ang karta ngayon ni Vetyeka na tinanggap na rin ang decision.
- Latest