^

PSN Palaro

NCAA-TV5 partnership kasado na

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matutupad ang hanap na television exposure ng NCAA sa TV coveror TV5 sa Season 90 na magbubukas sa Hunyo 28.

Ito ay matapos tiyakin ng TV5 na maipapalabas ang lahat ng pangalawang laro tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at ang isang laro tuwing Sabado sa nasabing network at sa sports channel na Aksyon TV.

Double-header ang ak­syon tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado pero ang unang labanan ay sa Aksyon TV lang maipapa­labas.

Bago ito ay gumawa rin ng pagbabago sa iskedul ng laro ang NCAA at ang unang laro sa seniors ay magsisimula sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang ikalawang laro ay itinakda dakong alas-2.

Ang dating iskedul ay 4 p.m. at 6 p.m.

“We’re happy with the new agreement,” wika ni Management Committee chairman at Jose Rizal University athletic director Paul Supan.

Sampung koponan ang magtatagisan sa taong ito at ang unang laro sa Hunyo 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ay sa pagitan ng four-time defending champion San Beda at host Jose Rizal University sa ganap na ala-1 ng hapon.

Ang iba pang kasaling paaralan ay ang Letran, Mapua, Arellano, San Sebastian, St. Benilde, Perpetual University, Emilio Aguinaldo College at Lyceum University.

Ang EAC at Lyceum ay nasa ikatlong taon bilang probationary member at kung malusutan nila ang season na ito ay kikilalanin na sila bilang regular members sa 91st season.

 

AKSYON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HUNYO

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LYCEUM UNIVERSITY

MALL OF ASIA ARENA

MANAGEMENT COMMITTEE

MIYERKULES

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with