Pinoy paddlers sumagwan ng gold at silver sa China
MANILA, Philippines - Nakasungkit ng isang ginto at isang pilak ang inilahok na koponan ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) sa idinadaos na 11th Asian Dragon Boat Championships sa Macau, China.
Kuminang ang men’s team sa 200-meter small boat category na pinagÂlabanan kahapon nang nakapagsumite ng pinakamabilis na oras na 2 minuto at 4.486 segundo.
Tinalo ng koponan ang lahok ng China na mayroong 2:05094 at Thailand sa 2:05.706 para sa silver at bronze medals.
Ang Indonesia (2-Â :Â07.Â94), Chinese Taipei (2:Â08.186) at Singapore (2:13.332) para makumpleto ang datingan ng anim na sumali sa final round.
Nauna rito ay nakakubra ang mixed team na inilaban sa 200-m standard boat category ng tanso.
May 46.682 tiyempo ang PDBT team para puÂmangalawa sa China na may mas mabilis na 46.248. Ang Chinese Taipei ang pumangatlo sa karera sa 46.864 oras.
May 13 bansa na kasapi ng Asian Dragon Boat Federation ang nagtatagisan sa tatlong araw na kompetisyon.
Mahalaga para sa PDBF na pinangungunahan ni Marcia Cristobal ang karerang ito dahil bahagi ito sa paghahanda ng koponan sa pagsali sa 1st Dragon Boat World Cup na gagawin sa Fuzhou, China.
Ang Pilipinas ay imbitado sa kompetisyong may basbas ng IDBF at ito ay gagawin mula Hunyo 9 hanggang 13.
- Latest