^

PSN Palaro

Azkals kinapos ng sipa sa palestine

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalusutan ni Ashraf Nu’man ang mahusay na Azkals goalie na si Roland Mu­ller gamit ang kanyang free kick para itulak ang Palestine sa 1-0 panalo laban sa Pilipinas sa AFC Challenge Cup Finals noong Sabado ng mada­ling araw sa National Football Stadium sa Maldives.

Nabigyan ng free kick si Nu’man sa 59th minute matapos pituhan ng foul si Jason de Jong. Pinalobo ng pambatong striker ng Palestine ang sipa sa bola para hindi maabot ng mga kamay ni Muller.

Nagkaroon pa ng pagkakataon ang Pilipinas na makatabla pero tunay na mahusay ang captain at goal keeper ng Palestine na si Ramzi Saleh na kinumpleto ang di pagbibigay ng puntos sa mga kalaban sa kompetisyong ito.

Ito ang ikaapat na goal sa torneo ni Nu’man para lumabas bilang na­ngu­ngunang scorer ng kompe­tisyon habang ang kakamping si Murad Ismail Said ang kinilala bilang Most Valuable Player.

Ang panalo ang nagbigay sa Palestine ng kauna-unahang titulo at sila ang umabante sa Asian Cup sa Australia mula Enero 19 hanggang 31, 2015.

Nakontento na lamang ang Pilipinas sa pilak na medalya na pinakamataas din matapos pumangatlo noong 2012.

Sa nasabing edisyon, tinalo ng Azkals ang Palestine, 4-3, pero mas malaki ang iniunlad ng nasabing katunggali na binigyan ng pagkilala ng FIFA noon lamang 1998.

“It was a tough game. The boys played hard and played good and I am proud of everyone who was in the team. We had a good tournament, we just didn’t get the final result we were looking for,” wika ni German/American Azkals coach Thomas Dooley.

Nakikita rin ni Dooley na malaki ang potensyal ng koponan na kuminang sa mga darating pang kompetisyon pero dapat na maghanap pa ng mga batang manlalaro upang mas lalo pang tumibay ko­ponan.

 

AMERICAN AZKALS

ASHRAF NU

ASIAN CUP

AZKALS

CHALLENGE CUP FINALS

MOST VALUABLE PLAYER

MURAD ISMAIL SAID

NATIONAL FOOTBALL STADIUM

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with