Heat biyaheng NBA finals: Tinapos ang Pacers sa game 6
MIAMI -- Bumangon si LeBron James mula sa paÂngit na ipinakita sa huling tagisan sa pagtala ng 25 punÂtos para ilampaso ang Indiana Pacers, 117-92, at kunin ang Eastern Conference title na pinaglabanan noÂong Sabado.
“I’m blessed. Very blessed, Very humbled,†wika ni James matapos tulungan ang Heat na makapasok sa NBA Finals sa ikaapat na sunod na pagkakataon sa 4-2 tagumpay sa best-of-seven series.
May 8-of-12 field goal shooting at 9-of-9 sa free throw line si James sa Game six para makabawi mula sa career playoff-low pitong puntos, dalawang rebounds at apat na assists sa Game Five na napanalunan ng Pacers, 93-90.
Hindi naman sinolo ni James ang kredito sa dominanteng panalo sa Pacers dahil may 25 puntos pa si Chris Bosh habang sina Dwyane Wade at Rashard Lewis ay naghatid ng tig-13 puntos.
Tumapos ang Heat tangan ang mainit na 57.9 shooting (44-of-76) at gumawa ang koponan ng 36 at 31 puntos sa ikalawa at ikatlong yugto upang maibaon ang Pacers.
Ang lay-up ni James sa 3:39 sa ikatlong yugto, ang nagbigay sa pinakamalaking kalamangan ng Heat sa buong season na 37 puntos, 86-49.
Si Paul George ay mayroong 29 puntos habang sina David West at Lance Stephenson ay naghatid ng 16 at 11 puntos pero hindi nila agad nasabayan ang mainit na panimula ng Heat para yumuko sa host team sa ikatlong sunod na pagkikita sa Conference Finals.
Mataas ang paniniwala na papasok sa Finals ang Pacers sa taong ito matapos kunin ang best record sa Eastern Conference na 56-26 karta. Ang San Antonio Spurs ang may pinakamagandang record sa NBA sa 62-20 baraha.
May homecourt advantage ang Pacers pero sa Game One lamang sila nanalo bago naisuko ang Game Two at ang dalawang laro sa homecourt ng Heat upang bigyan ang nagdedepensang kampeon ng 3-1 karta.
Ito ang ikaapat na pagkakataon na nasa NBA Finals ang Heat para maihanay ang sarili katulad ng mga maalamat na koponan sa NBA na Boston Celtics at Los Angeles Lakers na unang nakagawa nito.
Ikatlong sunod na kampeonato ang balak kunin ng Heat at magkakaroon sila ng ilang araw na pahinga dahil nagtutuos pa ang Spurs at Oklahoma City Thunder para sa Western Conference title.
- Latest