Fil-Canadian trackster bumasag ng record
MANILA, Philippines - Nahigitan ni Fil-Canadian Zion Corrales-Nelson ang Pambansang record sa senior at junior 400-meter run sa isinasagawang British Columbia High School Track and Field Championship sa Langley.
Ang 15-anyos na si Corrales-Nelson na siya ring isinumute ng PATAFA para maging kinatawan ng Pilipinas sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China mula Agosto 16 hanggang 28, ay naorasan ng 54.64 segundo sa heats.
Ang oras na ito ay mas mabilis sa 33-taon national junior record na hawak ni dating Asia’s sprint queen Lydia De Vega-Mercado na 54.75 at mas matulin sa senior record ni Jenny Rosales na 54.65 na ginawa sa UAAP noong nakaraang taon.
Hindi pa opisyal na kinikilala bilang bagong Philippine record ito dahil wala pang sertipikasyon ng PATAFA.
Bago ang nasabing kompetisyon, si Corrales-Nelson ay sumali sa Youth Olympic Games Asian qualifying sa Bangkok, Thailand at nanalo ng dalawang bronze meÂdals sa 400-m at 200-m dash.
- Latest