Bowling World Cup National C’ships: Alcazaren sinorpresa sina Nepomuceno, Miranda
MANILA, Philippines - Sinapawan ni Anton Alcazaren sina six-time world champion Paeng Nepomuceno at national bowler Raoul Miranda sa unang center finals ng 2014 Bowling World Cup national championship.
Nagpagulong si Alcazaren ng 12-game series na 2743 sa Superbowl para pangunahan sina Nepomuceno, Miranda at 30 iba pa patungo sa men’s finals na nakatakda sa Agosto 16, 17, 19, 20 at 22.
Nagtala naman si Miranda ng 2533 sa Coronado Lanes, habang kuÂmabig si Nepomuceno, ang taÂnging male pintoppler na nagwagi ng apat na beses sa World Cup, ng 2514 sa SM Megamall.
Isa pang regular campaigner sa local bowling circuit, si Sammy Sy ang nagposte ng second best mark na 2705.
Nanguna naman si VeÂteÂran Abbie Gan sa 18 pang bowlers sa ladies finals sa kanyang pinagulong na 2013 sa 10 laro.
Ang ikalawang qualiÂfying period ng individual kegfest ay magsisimula sa Astrobowl, Paeng’s Midtown, Superbowl, Coronado Lanes, Commonwealth, Paeng’s Freedom Imus, Puyat Sports Baguio, Q. Plaza, Paeng’s Eastwood, SM MOA, SM Fairview, SM North EDSA, SM Megamall, SM Southmall at SM Valenzuela.
Ang national finals ay idaraos sa Agosto 16, 17, 19, 20 at 22 kung saan ang mga mananalo sa men’s at ladies’ divisions ang kakatawan sa bansa sa BWC international finals sa Nobyembre 1-9 sa Sky Bowling Centre sa Wroclaw, Poland.
- Latest