Batas sa pagiging Pinoy ni Blatche inaasahang maipapasa ngayon
MANILA, Philippines - Inaasahang maipapasa ang batas na magbibigay ng Filipino citizenship kay Brooklyn Nets center Andray Blatche.
Sa araw na ito gagawin ang ikatlong pagbasa sa bill na isinusulong ni Congressman Robbie Puno at walang nakiÂkitang hahadlang sa kasapi ng Mataas at Mababang kapulungan para gawing ikalawang naturalized player ng Gilas team si Blatche.
Naunang nagsumite si Blatche ng kanÂyang sinumpaang salaysay na nagsaÂsaad ang pagnanais na maging isang Filipino para tulungan ang kampanya ng Pambansang koponan sa dalawang malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.
Ginawa ito ni Blatche sa Philippine consulate sa New York City sa harap ni Cynthia Raia, notary public ng New Jersey. Nagpalabas si Consul Felipe Carino ng notarial certificate para pagtibayin ang salaysay.
Kung pumasa ngayon ang bill, ipadadala ito kay Pangulong Benigno Aquino III at umaasa ang lahat na ilalapat ng Pangulo ang kanyang lagda para agad na maging batas ito.
Kung hindi gawin ito ng Pangulo, maÂngangailangan ng 15 araw bago maging batas ito.
Naghahabol ang pamunuan ng basketball sa bansa dahil itinakda ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) ang Mayo 30 para sa huling pagsusumite ng pasaporte ng mga atletang nais na sumali sa Asian Games sa Setyembre.
Naunang binigyan ng naturalized citizenship si Marcus Douthit at nakatulong siya sa paglapag ng Gilas sa ikalawang puwesto sa FIBA Asia Men’s Championship noong nakaraang Setyembre na ginawa sa bansa.
- Latest