Diaz reyna pa rin ng weightlifting
MANILA, Philippines - Muling ipinakita ni two-time Olympic Games campaigner Hidilyn Diaz ang kanyang pamatay na porma nang pangunahan ang women’s weightlifÂting event ng 2014 PSC National Games kahapon.
Inangkin ng ‘priority athlete’ na si Diaz ang gintong medalya sa women’s 58-kilograms division nang bumuhat ng 95kgs. sa snatch at 120kgs. sa clean and jerk para sa kanyang kabuuang 215kgs.
Tinalo ng 23-anyos na si Diaz si Margaret Colonia na naglista ng 63kgs.(snatch) at 80kgs.(clean and jerk) para sa kabuuang 143kgs.
Sa taekwondo, inangkin nina national team memÂbers Arven Alcantara (men’s featherweight), Clouie Bolinas (women’s welterweight) at Nicole Zapata (men’s heavyweight) ang kanilang mga gintong medalya.
Ang iba pang kumuha ng gold medal ay sina JaÂson Locsin (men’s finweight), Wasber Rasad (men’s flyweight), Joaquin Mendoza (men’s bantamweight) at Joel Alejandro (men’s lightweight).
Sa triathlon, binawi ni Nikko Huelgas ang men’s national title nang magtala ng oras na 1:20:25, habang nagposte ng bilis na 1:36:54 si Kim Mangrobang sa sprint distance na 900m swim, 27.1k bike at 2.5k run.
- Latest