^

PSN Palaro

Win No. 2 itinagay ng Beermen; Elasto Painters balik sa porma

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinala ng Beermen ang kanilang ikalawang sunod na panalo, habang buma­ngon ang Elasto Painters mula sa 0-2 panimula.

Inagawan ni import Reggie Williams si Marqus Blakely sa huling apat na segundo ng laro para ipre­serba ang 92-90 tagumpay ng San Miguel Beer laban sa nagdedepensang San Mig Coffee sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umarangkada naman ang Rain or Shine sa se­cond half para patumbahin ang Globalport, 119-97, tampok ang game-high 30 points ni 2011 Best Import Arizona Reid.

“He really pushed himself minutes-wise,” sabi ni American active consultant Todd Purves kay Williams, tumapos na may 29 points at 9 rebounds. “He just kept battling.”

Kinuha ng Mixers ang 69-60 bentahe mula kina Blakely, Marc Pingris at Mark Barroca sa pagsisimula ng fourth quarter bago kumamada sina Williams, June Mar Fajardo at Chris Ross para sa 92-87 kalamangan ng San Miguel Beer sa huling 13.7 segundo.

Isinalpak ni James Yap ang isang three-point shot sa nalalabing 6.7 segundo na naglapit sa San Mig Coffee sa 90-92 agwat kasunod ang dalawang mintis na free throws ni Williams sa panig ng San Miguel Beer.

Nang makuha ni Blakely ang rebound ay huma­ngos siya para sa huling posesyon ng Mixers, ngunit naagawan naman siya ni Williams na sumelyo sa panalo ng Beermen.

BEERMEN

BEST IMPORT ARIZONA REID

CHRIS ROSS

ELASTO PAINTERS

JAMES YAP

JUNE MAR FAJARDO

MALL OF ASIA ARENA

SAN MIG COFFEE

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with