Mixers asam ding makasalo sa liderato: Kings giniba ang Bolts; Express wagi sa Cola
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
3 p.m. Globalport vs Rain or Shine
5:15 p.m. San Miguel Beer vs San Mig Coffee
MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang Barangay Ginebra at Air21 para magsalo sa liÂderato ng 2014 PBA GoÂverÂnors’ Cup.
Bumangon ang Gin Kings mula sa isang 11-point deÂficit sa second period paÂra gibain ang Meralco Bolts, 95-82, habang gumamit ang Express ng isang 20-2 atake sa fourth quarter paÂra talunin ang Barako Bull EÂnergy Cola, 101-86, kaÂgabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Humakot si import Zaccheus Mason ng 32 points at 19 rebounds para sa paÂngalawang dikit na tagumÂpay ng Ginebra, iniwanan ng Meralco sa pagsisimula ng second quarter, 29-18, muÂla sa split ni import Terrence Williams.
“I told the palyers after halftime that we have to be conÂsistent and play defense. Mindset is playing defense and sharing the ball,†sabi ni rookie mentor Jeffrey CariaÂso sa kanyang Gin Kings.
Matapos kunin ang 46-43 bentahe sa first half ay piÂnalobo ng Ginebra sa 66-56 ang kanilang kalamaÂngan sa Meralco, natikman ang pangatlong sunod na pagÂkatalo, sa 2:36 minuto ng third period.
Sa likod nina import Terrence Williams, Cliff Hodge at Gary David ay nakadikit ang Bolts sa 70-76 agwat sa gitna ng fourth quarter.
Isang 11-4 atake ang inilunsad nina seven-foot rookie Greg Slaughter, Japeth Aguilar at LA Tenorio paÂra muling ilayo ang Gin Kings sa 87-74 sa huling 2:54 minuto.
Kumolekta naman si imÂport Dominique Sutton ng 24 points, 16 rebounds, 6 steals at 4 assists para sa panalo ng Air21, habang nag-ambag ng 22 markers si Asi Taulava kasunod ang 17 ni Joseph Yeo at 16 ni Mac Cardona.
“It’s a good win for us. We’re successful the last two games because we’re playing within our system and using our strength,†sabi ni Express’ mentor Franz PuÂmaren.
Pinamunuan ni import Eric Wise ang Barako Bull sa kanyang 24 points.
Air21 101 -- Sutton 24, Taulava 22, Yeo 17, CarÂdona 16, Ramos 8, Camson 8, Villanueva 3, Atkins 3, Borboran 0, Jaime 0, Poligrates 0, Burtscher 0.
Barako Bull 86 -- Wise 24, Fortuna 13, LastiÂmosa 10, Najorda 10, BueÂnafe 10, Miranda 4, JenÂsen 2, Wilson 2, Marcelo 2, Pennisi 0, Thiele 0, Deutchman 0, Intal 0.
Quarterscores: 25-22; 52-45; 80-72; 101-86.
Ginebra 95 -- Mason 32, Slaughter 22, Baracael 11, Ellis 9, Aguilar 4, Tenorio 4, Caguioa 4, Monfort 3, Reyes 2, Helterbrand 2, Mamaril 2, Ababou 0.
Meralco 82 -- Williams 26, Hodge 19, David 12, Dillinger 11, Hugnatan 8, Ildefonso 2, Caram 2, Wilson 2, Timberlake 0, Salvacion 0.
Quarterscores: 18-28; 46-43; 68-61; 95-82.
- Latest