Oklahoma magpipilit makaiskor sa San Antonio sa kanilang serye
OKLAHOIMA CITY -- Ang dalawa pang panalo ng dominanteng San Antonio Spurs sa kanilang WesÂtern Conference finals seÂries ang tuluyan nang taÂtapos kay Kevin Durant at sa Thunder.
Magbabalik ang Thunder sa kanilang tahanan maÂtapos malasap ang 0-2 pagkakabaon sa kanilang championship series ng Spurs.
Nagmula ang Oklahoma City sa isang 35-point loss sa San Antonio sa Game 2.
Iniwanan din ng Spurs ang Thunder sa 2-0 noong 2012 Western Conference finals bago nila inangkin ang sumunod na apat na laÂro para umabante sa NBA Finals.
‘’We’ve been there before,’’ sabi ni Durant matapos umiskor ng 15 points sa kanilang 77-112 kabiguÂan sa Game 2.
“You know, we try not to just say since we were down 0-2 two years ago and we end up winning, we’ll do the same thing. We’ve really got to figure it out on how we need to get betÂter, and we’ve always done that. We’ve got to just stick together and believe in each other that we can come out and try to get Game 3 on Sunday,†dagdag pa ng NBA MVP.
Noong 2012 ay nataÂlo ang Thunder sa unang daÂlawang laro nila sa San AnÂtonio bago nila balikan ang Spurs at tapusin ang kaÂnilang serye sa 4-2.
Ngunit ngayon ay tiÂnambakan ng San Antonio ang Oklahoma City ng piÂnagsamang 52 points.
Dalawang taon na ang naÂkararaan ay kumakamaÂda para sa Thunder sina James Harden at Serge IbaÂka, ang dalawang player na maaaring magpanalo sa koponan kapag minamalas sina Durant at Westbrook.
Subalit lumipat na si HarÂden sa Houston RocÂkets, habang may injury naÂman si Ibaka.
- Latest