^

PSN Palaro

Flying Spikers dumiretso sa 2

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Linggo

(Cuneta Astrodome,

Pasay City)

3 p.m.  Cagayan Valley

vs PLDT (Women’s)

5 p.m Generika-Army

vs RC Cola (Women’s)

7 p.m.  Cignal vs Via Mare (Men’s)

 

MANILA, Philippines - Nakabawi ang Air Asia Flying Spikers sa pagkawala ng 2-0 kalamangan nang nanumbalik ang init ng paglalaro sa fifth set para sa 25-21,25-21,20-25, 23-25,15-11, panalo sa Cignal HD Spikers sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagtulong sina Cha Cruz, Aby Maraño at Michelle Laborte sa mahalagang yugto para masungkit ang liderato sa pitong koponang liga sa 2-0 baraha.

Nakatulong din ang tatlong errors galing kay Norie Jane Diaz matapos ang huling tabla sa 9-all para manatiling malinis ang expansion team sa ligang inorganisa ng Score at handog ng PLDT Home DSL.

“We’re on a streak because of our composure, team work and focus. It’s more of our willingness to win,” wika ng number two pick sa rookie draft na si Maraño na may 11 kills, 5 aces at 2 blocks.

Bago ito ay nakitaan ng kahanga-hangang laro ang debutante sa liga na si 6’2 Dindin Santiago para tulungan ang Petron Blaze Spikers sa 25-27, 25-23, 19-25, 26-24, 15-10, panalo sa PLDT Home TVolution sa unang laro.

Nagpasabog si Santiago ng 37 puntos, 36 rito galing sa atake, para tumayong ba­gong sco­ring record sa pa­larong may ayuda pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes,Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Health Medical. (ATan)

ABY MARA

AIR ASIA FLYING SPIKERS

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CAGAYAN VALLEY

CHA CRUZ

CIGNAL

CUNETA ASTRODOME

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with