^

PSN Palaro

Laban ng Azkals, Afghanistan nauwi sa scoreless draw

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

 (Hithadoo Stadium)

4 p.m.  Laos vs Philippines (7 p.m. Manila time)

9 p.m. Afghanistan

 vs Turkmenistan

(12 Manila Manila time)

 

ADDU CITY, Maldives - Nauwi sa scoreless draw ang laro ng Philippine Azkals at ng Afghanistan sa pagsisimula ng AFC Challenge Cup.

Nalampasan ng Azkals sa loob ng 90 minuto ang mabigat na laban sa Afghanistan para makakuha ng one point sa Group B.

Umiskor naman angTurkmenistan ng 5-1 ta­gumpay kontra sa Laos.

Pipilitin ng Azkals na makapagposte ng panalo sa kanilang pagharap sa Laos ngayon para magkaroon ng tsansa sa semi final round.

Hangad naman ng Turkmenistan na makalapit sa isang puwesto sa Last 4 sa isang panalo kontra sa Afghanistan sa isa pang laro.

“We would have been happier with three points but we’re very much in the tournament and I think we’ve always had difficulty in our first games so I’m looking forward to a better performance in the games ahead,“ sabi ni team ma­nager Dan Palami.

Naglaro ang Azkals na wala ang suspendidong sina striker Phil Younghusband at defender Rob Gier.

Ang marginal goal ay nakuha sana ni James Younghusband kundi lamang tumama sa crossbar ang kanyang header sa first half, habang lumampas naman sa goal ang sipa ni Stephan Schrock.

Naging mabisa naman ang depensa ni Afghan goalkeeper Mansur Fa­qiryar matapos daklutin ang mga tirada nina Schrock at Daisuke Sato.

AZKALS

CHALLENGE CUP

DAISUKE SATO

DAN PALAMI

GROUP B

HITHADOO STADIUM

JAMES YOUNGHUSBAND

LARO NGAYON

TURKMENISTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with