James, Wade nagtulong sa paggiba sa Pacers, serye ipinatas sa 1-1 Heat muling nagliyab
INDIANAPOLIS--Sino pa ba ang magliligtas sa MiaÂmi kundi sina LeBron James at Dwyane Wade.
Sa pinakawalang 12-2 atake ay may anim na punÂtos si James at nakÂiÂpagtambal kay Wade para sa huling 20 produksyon ng Miami patungo sa 87-83 paggupo sa Indiana Pacers at itabla sa 1-1 ang kanilang Eastern Conference Finals.
“That’s why they’re the hundred million dollar guys,†wika ni teammate Norris Cole. “They’re unstoppable. They make the game easy for everyone else when they’re in attack mode.â€
Nabigong depensahan ng Pacers sina James at Wade sa huling 12 minuto ng laro.
Umiskor si Wade ng 13 points sa 41-point first half ng Heat, ng 10 points sa fourth period, habang kumamada si James, tumapos na may 22 points, ng 12 markers sa final canto.
Iniligtas nina James at Wade ang Miami sa pagkakahulog sa 0-2 deficit sa unang pagkakataon matapos noong 2010 first round playoffs.
Pinantayan naman ni Lance Stephenson ang kanyang playoff career high sa itinala niyang 25 points para sa Pacers.
Nagdagdag naman si Paul George ng 14 marÂkers.
Ang serye ay lilipat sa Miami para sa Game 3 sa Sabado at sa Lunes para sa Game 4.
Abante ang Pacers sa fourth quarter bago umarangkada sina James at Wade upang ibigay sa Heat ang home-court advantage.
“It’s not going to be pretty. Not in the Eastern Conference,†wika ni James. “It’s never pretty basketball in the Eastern Conference. It’s about who can sustain runs. You know, who can get defensive stops? Who cannot turn the ball over and who can get great shots? I think we did that in the fourth.â€
Isinara ni James ang third quarter sa pamamagitan ng assists kina Chris Bosh at Cole na nagsalpak ng magkahiwalay na 3-pointers para sa kanilang 63-62 bentahe.
Kumonekta si George ng isang 29-footer para ilapit ang Pacers sa 69-73 sa 7:19 minuto ng laro bago kumayod sina James at Wade para muling ilayo ang Heat.
- Latest