DepEd tinapyasan ang suweldo ng mga Palaro technical officials
MANILA, Philippines - Minaltrato ng Department of Education ang mga tournament managers na itinalaga ng mga National Sports Associations (NSAs) para tumulong sa pagpapatakbo ng Palarong Pambansa na isinagawa kamakailan sa Laguna.
Ginawa ang kompetisÂyon mula Mayo 4 hanggang 10 at ang ibinigay na honoraria sa mga technical officials ay nasa P4,500.00 lamang o mahigit lamang na P500 sa kada araw.
Masakit ito sa mga technical officials dahil ang kanilang dating tinatanggap ay nasa P15,000.00 sa isang linggong serbisyo.
Hindi rin batid na ganito ang balak ng DepEd na pinangungunahan ni Bro. Armin Luistro dahil hindi agad ipinaalam ang gagawing pagtapyas sa dating tinatanggap.
Lumalabas na dalawang araw bago natapos ang kompetisyon ay saka lamang nila nalaman na kakarampot ang bayad sa kanila ng DepEd.
“Dapat sa umpisa pa lamang ay sinabi na nila na ganito lang ang kanilang ibibigay. Lokohan na ‘yan kaya hindi ko tinanggap,†wika ni Gene Poliarco na namahala sa chess.
Naunang naghayag ng kanyang reklamo sa di makatarungang pagtrato sa mga sports officials ng bansa ang pangulo ng billiards na si Bong Ilagan.
Dinala na ng mga technical officials ang kanilang reklamo sa pamunuan ng DepEd pero wala pa umanong aksyon ang mga ito.
Naunang sinabi ng DepÂEd na mahalaga ang papel na ginagawa ng PSC, POC at mga NSAs dahil sila ang mga katuwang nila sa pagtiyak na magiging maayos ang kompetisyong para sa mga mag-aaral na atleta mula elementary hanggang seÂcondary level.
- Latest