^

PSN Palaro

Azkals inaasahan ang mahirap na laban sa AFC Challenge Cup

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagamat ikinunsidera kaagad sila bilang “popular choice” para pagharian ang AFC Challenge Cup mula sa isang online poll,  inaasahan pa rin ng Philippine Azkals na mahihirapan sila para sa torneong nakatakda sa Mayo 19-30 na gagawin sa Maldives.

“All the teams in this tournament are strong and (there are) no easy games in this competition,” sabi ni  Azkals striker  Phil  Younghusband.

Nangunguna ang Azkals sa online poll sa website ng 2015 Asian Cup na may katanungan kung sino ang kukuha ng final qualification spot sa Asian Cup na nakataya sa Maldives Challenge Cup.

Nakakuha ang Philippine team ng 703 votes kasunod ang Afghanistan (400 votes) at Palestinewith (220 votes).

Sisimulan ng Pinoy booters ang ka­nilang kampanya sa Group B bukas ng gabi sa Addu City laban sa Afghanistan.

Ipaparada ng Afghans, mas mataas ang ranggo sa Azkals sa International Football Federation’s world rankings, ang anim na pros na naglalaro sa fourth at fifth divisions sa Germany.

Ang mga ito ay sina Mansur Faqiryar ng VfB Oldenburg, Djelaludin Sharityar ng 1. FC Schweinfurt 05, Zamir Daudi ng  TGM SV Jügesheim, Mustafa Azadzoy ng TB Uphusen, Mustafa Zazai ng FC St. Pauli ll at Mustafa Hadid ng Altona 93.

Pinagharian ng Afghanistan ang 2013 South Asian.

ADDU CITY

ASIAN CUP

AZKALS

CHALLENGE CUP

DJELALUDIN SHARITYAR

GROUP B

INTERNATIONAL FOOTBALL FEDERATION

MALDIVES CHALLENGE CUP

MANSUR FAQIRYAR

MUSTAFA AZADZOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with