Kasaysayan ang gagawing motibasyon ng Lady Tams vs Bulldogs para sa titulo
Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. UST vs Adamson (3rd place)
4 p.m. FEU vs NU
(championship)
MANILA, Philippines - Mapalawig ang makasaysayang kampanya ang magtutulak sa FEU Lady Tamaraws para may mahugot pa sa kanilang manlalaro sa pagharap sa National University Lady Bulldogs sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference Finals na magÂsisimula bukas sa The Arena sa San Juan City.
Ang FEU ay isa sa mga orihinal na koponan noong sinimulan ang ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s noong 2004 pero sa confeÂrence lamang na ito nakarating sa championship round ang koponan.
Tatlong beses na naÂkaÂrating ang FEU sa Final Four at ang pinakamaÂgandang pagtatapos na kanilang naitala ay pangatÂlong puwesto sa second conference ng 2009 season.
“First time kaming nasa Finals kaya masarap ang feeling. Isa pa ay bagong team ko ito kaya talagang masaya ako,†ani Shaq delos Santos na dating coach ng UST bago lumipat sa FEU.
Ipinaalala ni delos Santos bago ang knockout game laban sa Adamson ang nakaumang na kasaysayan at nakatulong ito para makitaan ng magandang laro ang mga guest plaÂyers na sina Rachelle Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga, Bernadette Pons, Mary Joy Palma at Geneveve Casugod tungo sa 25-22, 25-22, 22-25, 25-22.
Ngayong nasa Finals na sila, alam ni delos Santos na iba na ang lebel ng kompetisyon at alam din niya na hindi biro ang haharaping laban sa Lady Bulldogs na siyang nagdedepensang kampeon sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Naitatag ng NU ang kanilang matikas na pagÂlalaro nang lumabas ang koponan bilang best spiker sa 38.7% (392 spikes sa 1,011 attempts), best blocÂkers sa 2.81 average per set, at number two sa best server sa 2.29 average per set.
Dahil dito, ang liksi sa loob ng court ang siyang sasandalan ng FEU matapos lumabas bilang number one sa digs (9.68 average per set), sets (9.21 average per set) at receives (28.57 percent).
“Ang lahat ng dapat pagÂhandaan ay dapat pagÂhandaan. Lalo na sa mga krusyal na tagpo,†wika pa ni delos Santos.
Hindi rin nagkukumpiyansa si NU coach Ariel dela Cruz sa magiging reÂsulta ng Finals na pagÂlalabanan sa best-of-three series.
Hamon niya sa bataan na pamumunuan ng magkapatid na sina Dindin at Jaja Santiago ay ang makitaan ng ‘killer’s instinct’ dahil ugali ng koponan na mag-relax kapag tangan ang kalamangan sa laro.
- Latest