Big chill humirit ng sudden death sa Cebuana: Blackwater pasok sa semis
Laro sa Martes
(Meralco Gym, Ortigas Ave., Pasig City
2 p.m. Big Chill vs Cebuana
MANILA, Philippines - Inokupahan ng nagdeÂdepensang kampeon Blackwater Sports Elite ang ikatlong puwesto sa semifinals nang durugin ang Cafe France Bakers, 89-69, sa PBA D-League Foundation Cup quarterfinals kahapon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.
Nagpakawala ng dalawang three-pointers si Allan Mangahas sa ikalawang yugto para tuluyang palobohin ang tatlong puntos na abante sa first period tungo sa 31-20 bentahe.
Bumira ng mga puntos sina Jericho Cruz, Reil Cervantes at Gilbert Bulawan sa mga sumunod na tagpo tungo sa dominanteng panalo.
“We played disciplined basketball. We were very patient in our offense,†ani Elite coach Leo Isaac.
Si Cruz ay tumapos taglay ang 24 puntos, 5 assists, 2 steals at 4 rebounds habang sina Bulawan, Cervantes at Mangahas ay mayroong 17, 14 at 11 puntos para samahan ng Elite ang mga nasa Final Four na NLEX Road Warriors at Jumbo Plastic Giants.
Kalaban ng Elite ang Giants sa best-of-three semifinals na magsisimula sa Huwebes.
Humirit ng do-or-die game ang Big Chill Superchargers matapos ang 72-64 panalo sa Cebuana Lhuillier Gems sa ikalawang laro.
Ang mga starters na sina Janus Lozada at Brian Heruela ay tumapos bitbit ang 22 at 19 puntos at ang Superchargers ay humataw matapos ang 25-all deadlock para masagad ang twice-to-beat advantage ng Gems.
Naging mabisang sandata ng Big Chill ang kanilang transition game dahil nagtala sila ng 16 turnover points sa 16 errors ng Gems habang siyam lamang ang naipasok ng Cebuana mula sa 13 errors ng kalaban.
Ito na ang ikaapat na sunod na pagkatalo ng Gems at kailangang magising sila sa Martes na kung saan gagawin ang sudden death.
Sina Paul Zamar at Marcy Arellano ay naghatid ng 16 at 12 puntos pero ang ibang inasahan ay hindi nakagawa dahil sa depensa ng Superchargers.
Si Bambam Gamalinda ay mayroong siyam na puntos, habang sina Ken Acibar, Brian Ilad at Gabriel Banal ay nagsanib sa 13 puntos lamang
Ang do-or-die game ay gagawin sa Martes sa Meralco Gym at ang palalarin ang siyang makakasukatan ng Road Warriors na hindi nakatikim ng talo matapos ang siyam na laro sa elimination round.
- Latest
- Trending