Ang Ahas ni Nietes
May kamandag pa ang ahas ni Donnie Nietes.
Sa edad na 32-anyos ay nagpakita ng kakaibang bangis ang Pinoy na boksingero nu’ng Sabado ng gabi sa MOA Arena nang bugbugin at patumbahin niya si Moises Fuentes ng Mexico.
Mas bata at mas matangkad si Fuentes na nangakong tatalunin si Nietes sa rematch ng kanilang laban na nauwi sa draw noong isang taon sa Cebu.
Kampante si Fuentes nang sabihin niyang iuuwi niya ang WBO light flyweight title ni Nietes sa kanyang pag-uwi sa Mexico.
Pero hindi natinag ang ating kababayan na tubong Murcia sa Negros Occidental.
“Magkamatayan muna kami,â€ang sagot ni Nietes.
Nangamba ako ng konti sa mga unang rounds nang tumama ang mga body punches ni Fuentes.
Tila ininda ni Nietes ang mga tama sa kanyang tagiliran.
Pero humanap lang pala ng timing si Nietes.
Binira rin niya sa katawan si Fuentes at pansin na pansin na nasasaktan ito.
Hindi siya nilubayan ni Nietes, at sa tuwing titiklop ang kanyang katawan ay sa ulo naman ang puntirya ni Nietes.
Tatlong beses tumumba si Fuentes sa ninth round kung saan natapos ang laban.
Nagtatatalon sa loob ng ring si Nietes at ang kanÂyang mga trainers.
Nanatili siyang kampeon sa 108 lbs division.
Halos sampung taon na hindi natatalo si Nietes at kung mananatili siyang kampeon sa katapusan ng taon ay lalampasan na niya ang record ni GabÂriel ‘Flash’ Elorde.
World champion si Elorde ng pitong taon at tatÂlong buwan.
Ilang buwan na lang ang kailangan ni Nietes paÂra malampasan ito.
May mga nagsabing ubos na si Nietes.
“Wala na silang maÂsaÂsabi ngayon,†sabi ng ating kampeon.
Kaya mo ‘yan, Donnie!
Birthday nga pala niÂya kahapon.
Maligayang bati champ.
- Latest