La Salle kontra sa FEU sa pagbubukas ng UAAP season
MANILA, Philippines - Bubuksan ng De La Salle University ang kaniÂlang pagdedepensa sa UAAP men’s basketball title kontra sa Far Eastern UniÂversity sa pagbubukas ng Season 77 sa Hulyo 12 sa Smart-Araneta Coliseum.
Ang rematch ng naÂkaÂÂraang Final Four ay naÂÂkatakda sa alas-4 ng haÂpon.
Sa naturang semifinals series ay sinibak ng Green Archers ang Tamaraws paÂtungo sa kanilang pag-angkin sa unang UAAP crown matapos noong 2007.
Lalabanan naman ng host University of the East ang University of the Philippines sa alas-2.
“Expect an out of this world opening ceremony,†ani UE athletic director and UAAP board secretary general-treasurer Rodrigo RoÂque kahapon sa PhilipÂpine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Ang tema para sa season ay `Unity in Excellence’, ayon kay Roque.
Sa Hulyo 13 ay maglaÂlaban naman ang Ateneo at ang Adamson kasunod ang banggaan ng University of Santo Tomas at ng National University.
Wala pang nahihirang na UAAP Commissioner ang UAAP Board, ayon kay Roque.
Ang mga nasa lisÂtahan ay sina basketball legend Sen. Robert JaÂworski, Sr., Tito Varela, Joe Lipa, daÂting PBA mentor Bong Ramos, Bay Cristobal, daÂting PBA ComÂmissioner Noli Eala, 2013 Commissioner Chito Loyzaga, Rain or Shine coach Yeng Guiao, broadcaster Chino Trinidad, multi-title juniors coach Ato Badolato at basketball anaÂlyst Andy Jao.
- Latest