Olympian na si Villanueva pumanaw na
MANILA, Philippines - Namatay na ang Olympic Games campaigner na si Anthony Villanueva dahil sa sakit sa puso kahapon ng alas-11 ng umaga sa kanyang tahanan sa Cabuyao, Laguna.
Si Villanueva, nagbigay sa Pilipinas ng kauna-unahang silver medal sa Olympics sa featherweight division noong 1964 Games sa Tokyo, Japan, ay 69-anyos.
Nalagay si Villanueva sa banig ng karamdaman sa loÂob ng ilang taon.
Natalo si Villanueva kay Stanislav Stepashkin ng Soviet Union sa gold medal round.
Ang kanyang amang si Cely Villanueva ay nakapagbigay ng bronze medal sa bansa noong 1932 Olympics sa Los Angeles, USA.
- Latest