So dinala sa draw ang laban para manatili sa itaas
MANILA, Philippines - Tumabla si GM Wesley So sa top seed na si Leinier Dominguez Perez ng Cuba upang manatiling nasa liderato sa Capablanca Memorial 2014 sa Habana Riviera Hotel sa La Havana, Cuba.
Umabot sa 42 moves ng Ruy Lopez ang tagisan at gamit ang itim na piyesa ay naitabla ng 20-anyos na si So ang laban sa paÂmamagitan ng perpetual check matapos makaalpas ang pawn ni Perez sa c-file.
Ang number 23 ranked na si So (2731) ay may dalawang puntos upang makasama si Zoltan Almasi ng Hungary sa unang puwesto matapos ang tatlong rounds.
Tinalo ni Almasi si seÂcond seed Vassily Ivanchuk ng Ukraine sa 34 moves ng Two Knights game.
Si Dominguez Perez na nasa ika-10th puwesto sa mundo sa 2768 ELO raÂting ay kapos ng kalahating puntos kina So at Almasi at kasalo ang kababayang si GM Lazaro Batista Bruzon sa ikalawang pangkat.
Si Bruzon ay nakiÂpagÂhati ng puntos kay Spanish GM Francisco Vallejo-Pons sa 60-move ng Ruy Lopez.
- Latest