Lady Falcons, Bulldogs lumapit sa Finals
MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Adamson University Lady Falcons ang pagbangon mula sa double match point sa ikatlong set nang angkinin ang 19-25, 22-25, 26-24, 25-15, 15-12, panalo sa FEU Lady Tamaraws sa pagsisimula kahapon ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan City.
Binuhay ni Shiela Pineda ang naunang malamÂyang opensa ng Lady Falcons para makumpleto ang pagbalikwas ng koponan mula sa 0-2 iskor at hawakan ang mahalagang 1-0 kalamangan sa best-of-three semifinals series sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Sinandalan ng nagdeÂdepensang kampeon National University Lady Bulldogs ang angking height advantage para iuwi ang 25-20, 25-23, 22-25, 25-22, panalo sa UST Tigresses at lumapit din sa isang panalo patungong championship round sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Ang 6’4 na si Jaja Santiago ay may dalawang blocks na nakatulong para maipanalo ng NU ang anim sa huling walong laro.
Mahusay din ang pagkakahugot kay Rizza Jane Mandapat na naghatid ng puntos sa ikaapat na set at ang NU ay nanalo kahit nawala si Aiko Urdas sa third set dahil sa left knee injury.
Tumapos si Pineda bitbit ang 22 puntos at isa lamang ang hindi niya ginawa sa pag-atake habang ang Thai reinforcement na si Pacharee Sangmuang ay may 21 puntos tampok ang 19 kills.
Ang isa pang guest plaÂyer ng Adamson na si Pau Soriano ay may 12 puntos, at ang dalawang kills ay kanyang ibinagsak matapos ang huling tabla sa 11-all.
Si Sangmuang ang tumapos sa laro sa matinding spike.
Tulad ng inaasahan, sina guest players Jovelyn Gonzaga, Rachelle Ann Daquis, Bernadette Pons at Mary Joy Palma ang nagdala sa Lady Tamaraws sa 24,16, 16 at 11 puntos.
May 17 kills at anim na blocks si Gonzaga upang bigyan ng 14-7 bentahe ang FEU sa blocks at angat din sa service aces, 4-2, para paiiwin ang 55-63 kalamaÂngan ng Adamson sa kills.
Pero nagtala ang FEU ng 35 errors na siya nilang ininda sa laro.
- Latest