^

PSN Palaro

Nietes pinabagsak si Fuentes Bautista, Melindo umiskor din ng panalo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakain ni Donnie Nie­tes ang mga di magagandang pananalita na ibinato sa kanya ni Mexican boxer Moises Fuentes nang tatlong beses niyang pinabagsak ito sa ninth round tungo sa matagumpay na pagdepensa sa hawak na WBO light flyweight title noong Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang matinding kanan sa bukas na panga ni Fuentes ang tumapos sa laban sa 2:56 ng 9th round upang mapanatili ng 31-anyos na si Nietes ang titulo na idinepensa sa ikaapat na pagkakataon.

Bago ito ay minaliit ng 28-anyos na si Fuentes ang ka­kayahan ni Nietes nang nauwi sa kontrobersyal na tabla ang unang pag­tutuos noong Marso 2, 2013.

Sinabihan pa nito ang nagdedepensang kampeon na huling natalo ay no­on pang Setyembre, 20­04, na hindi karapat-dapat na maging kampeon dahil patakbu-takbo ito at naprotektahan ng mga hurado kaya’t nauwi sa tabla ang laban.

Nakadagdag ang mga pahayag na ito kay Nietes na patunayan ang sarili para sa kumbinsidong panalo.

“Marahil ay napatuna­yan ko na isa ako sa ma­hu­husay na boksingero sa panalong ito,” wika ni Nietes na ngayon ay mayroong 33 panalo sa 38 laban bukod sa 19 KOs.

Ito ang ikalawang knock­out win ni Nietes laban sa mga Mexican bo­xers dahil noong nakaraang Nobyembre 30 sa Smart Araneta Coliseum ay tatlong rounds lamang ang itinagal ni Sammy Gutierrez.

Sa pagsisimula ng bakba­kan ay makikita ang determinadong si Nietes at ipinamalas ang matinding depensa para maisantabi ang tatlong pulgadang height advantage ng 5’6 na si Fuentes.

Ang paupu-upong dis­karte matapos magpa­kawala ng suntok na kadalasan ay tumatama sa katawan ni Fuentes ay inin­da ng challenger dahil bu­kod sa nasisira ang ti­ming nito ay mahina rin ang bodega ng Mexicano.

Isang matinding bira sa katawan ni Fuentes ang nagresulta para mamilipit ito.

Nabawasan ng puntos si Nietes nang patamaan ang kalabani habang nakaupo pero agad na binawi ng tubong  Murcia, Negros   ang pangyayari nang pahalikin uli sa lona si Fuentes sa matinding kaliwa.

Nakatayo pa si Fuentes at tila matatapos ang round nang tamaan ng kanan upang gumewang muna bago pasubsob na tumumba sa lona dahilan upang itigil na ni referee Robert Bryd ang title fight.

Bukod sa WBO ay kampeon na rin ng nirerespetong  The Ring si Nietes da­hil binigyan nila ng basbas ang labang ito.

Nais ni Nietes na ma­bigyan ng pagkakataon na masukat ang kampeon ng ibang dibisyon para tunay na mapatunayan na siya ang hari sa 108-pound division.

Ang panalo ni Nietes ang tumapos sa magandang ipinakita ng tatlong Filipino boxers laban sa mga Mexicano.

Unang humirit ng unanimous decision ang nagbabalik na dating world challenger na si Rey “Boom Boom” Bautista laban kay Sergio Villanueva habang napanatili ni WBO internationalf flyweight champion Milan Melindo ang titulo sa majority decision kontra kay Martin Tecuapetia.

 

BOOM BOOM

DONNIE NIE

FUENTES

MALL OF ASIA ARENA

MARTIN TECUAPETIA

MEXICANO

NIETES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with