^

PSN Palaro

9 na beterano ng 2012 AFC Challenge Cup tinapik sa Maldives

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siyam na beterano ng 2012 AFC Challenge Cup ang kinuha ni German-American Azkals coach Thomas Dooley para pa­ngunahan ang Pambansang koponan sa paglahok sa 2014 edisyon sa Maldives mula Mayo 19 hanggang 30.

Ang goal keeper na si Neil Etheridge ay makakasama nina Phil at James Younghusband, Robert Gier, Juan Luis Guirado, Dennis Cagara, Misagh Bahadoran, Carlos De Murga at Paul Mulders upang bigyan ng mahalagang karanasan ang koponan para mahigitan ang bronze medal na pagtatapos dalawang taon na ang nakalipas sa Nepal.

Ibinigay na ng pamunuan ng Azkals ang official 23-man line-up sa Asian Football Confederation (AFC) Competition Department kahapon at nakasama rin sa talaan sina Stephan Schrock, Jason De Jong, Patrick Reichelt, Roland Muller, Chris  Greatwich, Jerry Lucena, Paul Mulders, Anton Del Rosario, Daisuke Sato, Nathaniel Burkey, Ruben Doctora Jr., Patrick Deyto, Jose Elmer Porteria  at Martin Steuble.

Nawala naman sa talaan ang dating Azkals skipper na si Chieffy Caligdong na kasama pa sa koponan na naglaro sa AFC Qualifiers sa Rizal Memorial Football Field noong nakaraang taon na dinomina ng host Pilipinas.

Hindi na nakasama si Caligdong sa koponan sapul nang pumasok si Dooley noong Marso dahil sa fractured right foot na nakuha habang naglalaro sa United Football League (UFL).

Maliban kina Gier, Guirado, Cagara, Muller at Greatwich, ang ibang kasapi ay nasa Bahrain para sa isang Camp at mula rito ay tutuloy na sa Maldives.

May limang International Friendly Games ang ginawa ni Dooley mula Marso at nagtala siya ng isang panalo, isang talo at tatlong tabla.

Bubuksan ng Pilipinas ang kampanya sa Mayo 20 laban sa Afghanistan bago sundan ng laro kontra Laos sa Mayo 22 at Turkmeni­s­tan sa Mayo 24.

vuukle comment

ANTON DEL ROSARIO

ASIAN FOOTBALL CONFEDERATION

AZKALS

CARLOS DE MURGA

CHALLENGE CUP

CHIEFFY CALIGDONG

COMPETITION DEPARTMENT

DAISUKE SATO

PAUL MULDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with