PSL all filipino conference Flying Spikers palaban sa titulo
MANILA, Philippines - Ang taglay na championship experience ang siyang naglalagay sa bagitong koponan na AirAsia Flying Spikers bilang maÂtinding kontender para sa titulo sa Philippine Superliga All-Filipino Conference na magsisimula sa Mayo 16 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Bubuuin ang koponang pag-aari ni sports patron Mikee Romero ng mga manlalaro ng La Salle na kilala ang husay kung ang paglalaro sa UAAP ang pag-uusapan.
Ibabandera ang kopoÂnan ni two-time UAAP MVP Abby Marano na magbabalak na makapagpakita ng maganda sa unang conference sa ligang inorganisa ng Sportscore upang pawiin ang kabiguang inabot sa Ateneo sa UAAP Finals kahit bitbit ang thrice-to-beat advantage.
“I did not and will not lose faith in this team,†wika ni Romero na siya ring paÂngunahing tagapagtaguyod ng Lady Archers sa nilalahukang collegiate league.
Ang Philippine Army na suportado ngayon ng Generika Drugstore ay susubok na mapalawig ang dominasyon sa ikatlong sunod na conference ngunit dadaan sila sa butas ng karayom dahil sa haÂmong hatid ng makakalaban sa pangunguna ng Air Asia.
“That experience (UAAP) will further motivate the Air Asia team to prove its worth in a club league setting,†ani team representative sa PSL Erick Arejola.
May suporta rin ng Mikasa, Asics, Jinling Sports, Mueller at Healthway Medical Services, ang iba pang koponan na kasali ay ang Petron, PLDT MyDSL, RC Cola-Air Force at Cagayan Province.
- Latest