Elite lusot sa Waves sa OT
MANILA, Philippines - Nakumpleto ni Riel Cervantes ang alley-hoof play galing kay Kevin Ferrer para itulak ang nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite sa 96-94 panalo sa overtime sa Boracay Rum Waves at tumibay ang paghahabol sa puwesto sa quarterfinals sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Tumapos si Cervantes tangan ang 27 puntos mula sa 11-of-13 shooting sa 2-point field at tinapos niya ang impresibong laro nang nasalo at naipasok ang inbound pass ni Ferrer sa midcourt, may 0.3 segundo sa orasan.
Umangat ang koponan sa 4-3 karta at may tsansa pa na sa ikalawang awtomatikong semifinals seat na nakadepende sa ipakikita ng Cebuana Lhuillier Gems at Jumbo Plastic na nasa ikalawang puwesto sa 5-2 baraha.
Tinapos ng Café France Bakers ang apat na sunod na pagkatalo sa pamamagitan ng 70-66 panalo sa Cagayan Valley Rising Suns habang naitala ng Derulo Accelero Oilers ang ikalawang sunod na panalo gamit ang 82-78 tagumpay sa Hog’s Breath Café Razorbacks sa dalawang sumunod na laro.
Itinaas ng Bakers ang karta sa 3-4 baraha at lamang na sila ng kalahating laro sa Rising Suns para sa mahalagang ikaanim na puwesto.
Magkatabla ngayon ang Oilers at Razorbacks pero ang huli ang nasa huÂling puwesto dahil sa nangyaring kabiguan. (AT)
- Latest