Sa Lady Tamaraws o Lady Chiefs?
MANILA, Philippines - Puwesto sa semifinals sa Group 2 ang paglalabaÂnan ng FEU Lady TamaÂraws at Arellano Lady Chiefs sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 First ConfeÂrence ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Parehong may 1-1 karta ang dalawang koponan kaya ang mananalo sa sagupaan na itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon ang makakasama ng paÂhinga at nagdedepensang kampeon National University Lady Bulldogs (2-0) sa Final Four.
Galing ang FEU sa straight sets panalo sa St. Benilde Lady Blazers at ibinandera ang koponan ng mga bagong guest players na sina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga upang palalimin ang lakas ng koponan na dating binabalikat nina Bernadette Pons at Mary Joy Palma.
Hindi naman padadaig ang Lady Chiefs na nais na makabangon matapos waÂlisin ng NU sa unang laro sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Sina Danna Henson, Cristine Joy Rosario, Menchie Tubiera at ElaiÂne Sagun ang mga magÂdadala sa Arellano para manatiling palaban sa kampeonato sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil.
Pagtatangkaan din ng guest team na Davao Lady Agilas ang semis seat sa Group I kung manalo sila sa Adamson Lady Falcons sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.
Mataas ang morale ng Lady Agilas dahil huli nilang pinabagsak ang UAAP champion Ateneo sa larong umabot sa limang sets.
Sa kabuuan, ang DaÂvao ay may limang panalo sa anim na laro at ang nakatalo pa lamang sa Lady Agilas ay ang UST sa group elimination.
Ang Tigresses ay nakaÂpuwesto na sa semis sa 2-0 karta.
Hindi naman papaÂyag ang Lady Falcons na yumuÂko sila sa larong ito para manatiling buhay ang paghahabol ng puwesto sa susunod na round.
Ang mga beteranang sina Shiela Pineda, Pau Soriano at Thai import Pacharee Sangmuang ang mga aasahan sa Adamson habang sina May Agton, Mae Antipuesto, Reynelen Raterta at Jocemer Tapic ang ipantatapat ng Davao.
- Latest